Friday, April 17, 2009

The Origin of God

FROM this day on, magpipreach na lang muna ako for a living, to be continuously of service to God and fellowmen. Just like religious preachers, you know, na nabubuhay mula sa voluntary contributions ng kanyang congregation. The reason for this is because wala pang newspaper editor na tumatanggap muli ng aking column in Taglish. So in the meantime, I am going to blog and preach for my daily bread.
Pero hindi po ako preacher ng ano mang religion or any particular ideology. Ang ipangangaral ko at ngayo’y inuumpisahan ko nang ipangaral ay ang tinatawag na Living Truth. Sa Tagalog, Buhay na Katotohanan.
For a change, magdedeviate ako from my usual column-writing job para maging isang free-lance preacher of the Living Truth in plain Taglish, the language of 90 million Pinoys here and worldwide. Ngunit hindi ko naman inaabandon ang aking lifetime advocacies for a better Philippines, namely:

1. Standardization of Taglish para eventually ito ay maging official national language of our country, and for the sake of defining our real identity as a people.

2. Installation a “ladder-type” electoral system na magmomodify sa Philippine body-politic para sa kaunlaran and moral-renewal. Ito ay magpuput-aside sa ating multiparty election system in favor of the completely gastos-free, partyless, dayaan-proof, & very speedy “ladderized” electoral process, na kahit abacus lang ang gamitin sa vote-counting ay pwede nang malaman ang winning presidential candidate in less than 24 hours. Ang ladderized election na ito ay magbibigay-tuldok din sa mga mababaho nang political dynasties sa bansang ito.

Invoking divine guidance and inspiration, this senior citizen welcomes voluntary support to enable himself pursue the said advocacies, and also preach the Living Truth to the people of the Philippines, the only Christian nation in the Far East. But please do not give until and unless you receive first material and spiritual blessing from following my preaching.
Kung ang mga Bible preachers like Bro. Mike Velarde, Bishop Eddie Villanueva, Pastor Apollo Quibuloy, Bro. Ely Soriano, et al, ay mayroon pong right na tumanggap ng voluntary contributions to help advance and propagate their faith, which is their way of serving God and obeying His command, I say na dapat mayroon din akong right tumanggap tulad nila for preaching the Living Truth in the service of God and countrymen. Does it matter kung mayroon o wala akong kinabibilangang non-profit religious organization? Self-employed preacher po ako, at ang aking congregation ay comprised mostly ng mga bloggers na tulad ko.
Ang preaching ko ay libre din like theirs; ang konting boluntaryong tulong mo ay isang token of recognition lang kapalit ng pagpapalang tatanggapin mo after reading me. Kung wala kang matatanggap, kung wala kang mapapala— how can you return any favor? In addition to helping our country, mayroon kang matatanggap na biyaya sa pag-alam ng Buhay na Katotohanan. Try mo lang na sundin ang mga insights na ibibigay ko at tatanggap ka ng blessings at the end of the day, wika nga. Promise.
Yes, natural lang na mag-expect ka ng extrang biyaya mula sa pagbabasa. Biyaya na pwede mong gawing cash if you wish. The act of wishing by using intuition and energized subconscious is both divine and scientific. Try doing this and see the result for yourself. To see is to believe, di ba? I will explain to you the mechanics and methods of intuitive wishing later in this blog. At kapag wa-effect ang mga instructions ko, don’t ever read and believe me again. Mahalaga ang oras mo at hindi dapat sinasayang lang.
Ang uri ng katotohanang kailangang malaman ng bawat isa sa atin ay yaon ngang living or buhay. The kind of truth na very much alive and kicking. Kailangan natin ito if only to know very surely and without any doubt the reason why we live dito sa ating planet Earth. Ito ang basic eternal question of every human being. Nagkaroon tayo ng marami at iba-ibang religions in seach of the true answer to this question.
Maybe masasabi mong natuklasan mo nang matagal na ang sagot sa tanong na ito. Iniisip mo sigurong ito yaong ipinapangaral ng mga Bible preachers like your parish priest, pastor, or minister, at ng mga taong nabanggit ko sa itaas. Their preaching is right according to their own understanding of the Bible. Pero hindi sila nagkakaisa, di ba? Otherwise, iisa lang sana ang religion sa mundo. At hindi lahat ng pinipreach nila ay mapoprove mo personally, or mayroong scientific basis ang mga iyon.
The Living Truth is something na paniniwalaan ng sino man even without faith and complete understanding. For example, gravity and electromagnetism. Naniniwala ako sa mga bagay na ito although I do not understand these things thoroughly. Kasi they are knowable and experientiable. Sa ibang salita, ito ay nababatay hindi lang sa ating mga karanasan kundi sa ating reasoning and evident facts. Kung hindi mo man ito mabasa sa Bible and other holy scriptures, like phone cam and microwave oven, at least magiging panatag ang kalooban mong tanggapin ang mga Buhay na Katotohanang ito pagkat actual mong nagagami sa iyong buhay. Ang radio, television, cellphone, and DVD player ay gumagana under the principles of electromagnetism. Ito ay totoo gaya ng ang mundo ay spherical, at ang mga heavenly bodies in the universe ay sumusunod sa batas ng gavitation, generally speaking.
The Living Truth will not only set you free. Bibigyan ka rin nito ng buhay at ikabubuhay, hindi sa dako pa roon na walang katiyakan kundi dito mismo sa mundong ito, sa panahong naririto ka pa. Ang Buhay na Katotohanan ay magpapadama rin sa iyo kung ikaw ba ay nasa mali o tamang profession. Or are you living in the right neighborhood, city, country or continent? Kung susuriin mo ang mga recent happenings in your life, baka matuklasan mong hindi coincidences lamang ang mga ito. Very probably ang mga ito ay magkakaugnay, spawned or induced by your subconscious and intuitive evolutionary mind, preparing and introducing you to a change of lifestyle, career or habitat. Kailangang maunawaan mo ang relevance and meaning ng mga recent events in your life. Same with your recent dreams at ng iba pang darating mong panaginip. Kailangan mo ang mga ito as guiding revelations in the course of your conscious evolution, the very reason kaya ka naririto at nabubuhay in this blessed planet called Earth.
The Living Truth is that narito tayo sa Earth to live and enjoy life-—preferably forever! Magagawa nating enjoyin ang buhay by consciously evolving with love as constant soul energizer. Narito tayo sa Earth, a physical dimension, to become what we want and capable of becoming. Ang process na ito ay tinatawag na conscious evolution, or simply conscious becoming. Ito ang literal meaning of the biblical name of God, YHWH—-now pronounced Yahweh or Jehovah. Ang Diyos ay patuloy sa pag-evolve consciously tulad ng sinasabi literally ng kanyang pangalan na nasa infinitive case: To be or maging.
Ang conscious becoming or evolving ay isang eternal preoccupation.
This is the Living Truth!
The truth na kasalukuyang pinuprove mong tama at totoo by actually living it.
So bakit nariyan ka sa kinalalagyan mo ngayon? Bakit ka naging student, then professional, OFW, actor, actress, singer, writer, journalist, editor, pianist, painter, model, accountant, lawyer, politician, doctor, chemist, or plain housewife? Kasi, hinangad mong maging. At hindi ka basta na lang naging kung ano ka ngayon, di ba? Nag-evolve ka by modifying your mind and changing the contents of your brain with experiences, a lot of reading, and formal education. Meaning, nag-evolve ka consciously and deliberately into somebody na kung tawagin ngayon ay IKAW!
At hindi ba’t mayroon ka pang at least one secret frustration? Isang lihim na pangarap na nais mong matupad hanggang ngayon: maging sikat na model, artista, beauty queen, singer, songwriter, bodybuilder, karate expert, dancer, town or city mayor, congressman, senator, president—- o sundan ang act ng isang Rostum Padilla na isang lihim na closet queen and recently ay lumantad in the new person of BB Gandanghari. Why not? What’s wrong with that kung iyon ang gusto mong maging and you just can get away with it?
Karamihan sa atin ay secretly frustrated so and so. Bihirang tao ang magsa-sabing kuntento na ako sa kalagayan ko at gusto kong ganito na lang ako forever. Kasi nga we are created by God in his image or just like him, ever wanting to become, to explore all possibilities in life.
Totoo o hindi?
You cannot decieve yourself. The Living Truth is true whether you like it or not.
As a preacher of the Living Truth, inihuhula ko ang ating salvation at pagkakaroon ng mahabang buhay if not eternal life, about ten to fifteen years from now—-not anywhere else but on this very same planet. If you are below fifty years old, maaaring mabuhay ka pa until such time na si Jesus Christ and his disciples na mismo ang naghahari sa sangkatauhan in a very scientific Earth under a democratic and theocratic government, as prophesized in the Bible.
Alam mo bang hahaba ang buhay mo at mami-maintain mo ang iyong vitality noong kabataan mo kahit umedad ka ng 100, by means of herbal food supplement and medicine? Hindi coincidence lang na biglang dumami ngayon ang mga herbal medicine, at kahit ang mga legitimate doctors ay parang albularyong nag-eendorse ng malunggay and ampalaya tea for diabetes, vitamin vegetable tablets, virgin coconut oil and garlic essence in soluble capsule as medicinal food.
Sa pagtsibog ng forbidden fruit napahamak sina Adam and Eve in the Garden of Eden. Nasa pagtsibog din ng genetically modified food (GMF) ang ating kaligtasan, in more ways than one. Ito’y hindi kailangang magpabago sa iyong faith kay Lord Jesus, in the resurrection, and eternal life.
Hindi na gaanong magtatagal, ang iyong multivitamin and even toothpaste ay magmumula sa mga fruits na pipitasin mo lang sa halamang nasa paso in your backyard.
Tayo ay linikha ng Diyos para mag-enjoy ng buhay dito mismo sa Earth, not anywhere else. Ang Buhay na Katotohanang ito ay nasusulat din sa Genesis 1:27-30. Ngunit mas nasusulat ito sa ating subconscious mind and biologically encoded sa ating DNA as a conscious evolutionary command. This is the self-evident Living Truth, my friend.
Deep in our heart, sa umpisa pa lang ng ating pagsilang ay gusto na nating maging. We have always wanted to be. Since birth mayroon nang isang bahagi sa ating brain na ang function ay intuitive wishing. Ito ang driving force behind our conscious evolution. Nasusulat din sa Bible ang tungkol dito: “Knock and the door shall be opened, seek and you shall find, ASK and it shall be given.”
Asking starts with wishing. Kayat tayo ay may kakayahang mangarap at gumawa ng mga paraan para matupad ang pinapangarap natin. Libre, walang bayad ang mangarap. Kaya walang mawawala sa iyo kung mangangarap ka. At mas makasisigurado kang magiging totoo ang dream mo by intuitive wishing. Pagwiwish na ang gamit ay kutob from your subconscious mind. Kapag na-energize ang iyong subconscious, mas lalakas ang kutob mo, at ito ang magtuturo o magdadala sa iyo sa katuparan ng iyong wish.
Intuitive wishing is a form of psychic energy. Ang energy na ito ay isang uri ng vibraton na inherent o taal nang nasa subconscious mo, maging noong zygote ka pa lang sa womb ng iyong mother. Para maging mas mapwersa ang vibration na ito, kailangang magalvanize ang subconscious mo ng iba pang energies like love, laughter, music, personal ang synergized praying, perception of beauty, meditation, etc. When your subconcious is energized enough, you don’t need so much faith to move mountains. Sapat na ang faith as big as mustard seed and the Living Truth.
Bago ko ituro sa iyo ang mechanics and methods of intuitive wishing upang magamit at mapakinabangan—-o mapagkaperahan mo kung ito ang wish mo, importanteng maniwala ka muna logically na ito ay totoo nga at isang Living Truth. Pagka di ka naniwala, hindi mo susundin ang mga instructions ko at hindi ka tatanggap ng biyaya. Pagka hindi ka nabiyayaan, hindi mo gugustuhing magdonate kahit one cent lang para patuloy akong makapag-blog to preach the Living Truth in the service of God and countrymen.
Hindi kita papaniwalain by faith alone. Kailangang maging logical at katanggap-tanggap sa isip mo ang intuitive wishing.
Para itong calculator na magagamit mo automatically and right away. You don’t need to understand fully how a calculator operates to believe in it. Pero kailangang alam mo rin ang basic principles of addition, subtraction, multiplication, and division. Kahit may calculator na, dapat marunong ka pa rin ng arithmetic.


AN INTRODUCTION TO INTUITIVE WISHING

THE ORIGIN OF GOD. In Gen. 1:1 of the Bible, nasusulat na “In the beginning God created the heavens and the earth.” However, hindi nasusulat anywhere in the Bible kung sino ang lumikha sa Diyos. Silent din ang Bible about the origin of God. Dahi-lan kaya walang Bible preacher ang makapagtuturo tungkol sa bagay na ito.
Dahil mayroon tayong logical mind, hindi natin maiwasang maitanong:
Kung ang tahanan ng Diyos ay ang langit, nasaan siya bago niya linikha ang langit at lupa?
Nagkakaisa ang mga theologians na ang Diyos ay nasa Infinity bago niya gina-wa ang mga langit at lupa. Ito rin ang reason kung bakit ang Diyos ay Eternal. Kasi ang Infinity ay halos synonymous to Eternity.
Sa John 1:1-4 ay nasusulat: “In the beginning ay ang Salita at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. All things ay ginawa niya at kung wala siya ay walang mga bagay na ginawa. Nasa kanya ang buhay at ang buhay ay ilaw ng sangkatauhan.”
Based on these Bible statements, four entities ang dati nang umiiral at walang sino mang gumawa, namely:

1. God,
2. the Word,
3. Life, and
4. Infinity.

In math, ang concept ng Infinity ay represented by zero (kawalan) and by any number divided by zero. In physics, walang ibang bagay na kinuconsider na infinite except space. Kaya ang space ay tinatawag nating kawalan or kalawakan.
In the Bible, sinasabing ang Diyos ay spirit, meaning, force or enery. At ang Salita ay Wisdom o Karunungan.
In the beginning, dati nang magkasama sa Space (Infinity) ang Diyos at ang Salita or Karunungan. Ano po ang ginagawa nila sa Space? Sila ay nag-eenjoy ng life pagkat nasa Karunungan ang life (John 1:4).
Then ginawa nila ( ng Diyos at Karunungan) ang langit at lupa. Saan? In Infinite Space. The universe is created by God and Wisdom in Space.
When the universe is not even one second old yet, there was boundless nothingness or “empty” space, called Infinity.
Kalakip ng space ang isang tendency. Saan naman nanggaling ang tendency na ito? Ito po ay inherent, likas, o dati nang nasa space. Sino po ang may sabi nito?
Maraming scientists, two of them Sir Isaac Newton and Albert Einstein, ang nakatuklas sa spatial property na ito. Nadiscover ni Newton na kaya bumabagsak mula sa puno ang apple ay dahil sa tinatawag na gravity. Now, ito po bang gravity ay nasa apple na bumabagsak sa lupa mula sa puno, o nasa lupang binabagsakan ng apple? Gravity is in both the apple and the Earth, pero ito ay dati na ring nasa space as spatial vibration, gaya ng sinasabi ng mga particle or quantum physicists. And all scientists today believe that everything in the universe in the form of energy and matter is just spatial vibrations, including gravity itself!
That is the Living Truth. Ito ay totoo like laptop computers, jetplanes and nuclear-powered submarines. Ang tendency na originally kalakip ng space as vibrations ay isang uri ng energy na tatawagin kong primal energy. Ito ay manifestation ng Holy Spirit, or God himself. Ito ang dahilan kaya may gravity sa space. Hindi isang exclusive property ng mass or matter ang gravity kundi ito ay isang viscosity of space. At ang vacuum ay isang theoretical impossibility. Meaning, impossible na magkaroon ng vacuum or complete space emptiness, kasi mayroon ngang inherent viscosity ang space, called gravity.
Ang primal energy in the form of gravity ay isang manifestation of the Holy Spirit, the other personality of God, Bible says.
In addition to gravity, may iba pang spiritual manifestation or natural space vibration, ang anti-matter, dark matter and dark energy. Lately lang natuklasan ng mga NASA scientists by virtue of the Hubble space telescope ang dalawang huling nabanggit. Ang dark matter ay hindi talaga tunay na matter residing in space. Para rin itong gravity na nagsisilbing tila glue o parikit holding the galaxies together. Ang dark energy naman ay hindi talaga tunay na energy kundi parang centrifugal force na responsible for the continuous expansion of the universe.
Dalawa lamang ang naghihintay na kapalaran sa universe. Una: Magwagi ang pwersa ng dark matter at ang mga galaxies ay macompress into a big blackhole. Pangalawa: Magwagi ang pwersa ng dark energy at ang universe ay magdis-integrate and explode like a bomb.
But that’s another topic.
Because of primal energy hindi maiwasan ng space na magvibrate at maging malapot (viscous) like noodle soup. Kaya natural lang na ang tendency na ito, ang primal energy na ito ay mapolarize into two momentums, namely: (1) the positive tendency to be, and (2) the negative tendency not to be.
Ito ay ayon sa natural law na ang ano mang action (like space vibration) ay may corresponding opposite reaction. Because of this physics law ang tao ay nakagawa ng gas engine and nuclear-powered engines. Di nagtagal ay nagkaroon na rin ng motorized cars, ships, submarines, airplanes, helicopters, bullet trains, etc.
Ang positive spatial tendency to be, literally known in Hebrew as YHWH, the name of God, ay isang opposite reaction of the negative spatial tendency not to be. Katumbas ng inertia of rest, ito ay tendency ng space na manatiling just space forever.
Nanaig ang momentum ng positive primal energy of space, ang tendency ni Yahweh El Shaddai or Jehovah, to be. Tama si Albert Einstein sa pagsasabing galit ang space sa tuwid na linya. Kahit ang liwanag at ang electromagnetic energy na pinaniniwalaan noon na nagtratravel in a straight line ay lumulubyok at kumukurba pala sa katagalan. Dahil ang space ay originally curved, at mayroon itong tendency na gumawa ng sariling mga limitations habang nagba-vibrate.
Ang so ang space ay hindi nanatiling space lamang. Nanaig ang intuitive wish ng Diyos na si YHWH, to be. At sa infinite space ay nagkaroon ng mga bagay. Ayon sa mga19th Century cosmologists, ang positive primal energy in space ay nag-evolve into the hydrogen atom, na kinukunsider nilang the first and most common gaseous matter in the universe. Mahalagang pansinin na ang hydrogen atom ay polarized na from the beginning. Binubuo ito ng positive and negative compotents. Positive ang nucleus o proton nito, at ang nag-oorbit na electron ay negative.
Then from hydrogen ay nag-evolve ang iba pang gaseous elements like helium, carbondioxide, oxygen, ozone, etc. Dahil sa gravity ay nahatak sa isa’t isa ang mga elementong ito na bumuo sa unang megastar. Ang gravitational attraction among heavenly bodies ay isang anyo ng walang malay na pag-ibig. A form of unconscious attraction, gravity is love in its most primitive stage.
Nang ang unang megastar ay naging napakainit, ito ay sumabog at sa lakas ng pagsambulat ay tumilapon palayo sa center nito ang mga debris. From the moment of this “Big Bang” explosion, nag-umpisa nang tumakbo ang panahon. Inihudyat din nito ang pagsilang ng universe sa space. Ang naging composition ng baby or infant universe ay ang mga tumilapong piyesa ng unang megastar. Nang lumamig, ang mga ito ay naging heavenly bodies. Dito nagmula ang mga galaxies, including the Milkyway galaxy, ang kinaroroonan ng ating solar system.
Sa ganitong paraan nagkaroon ng katuparan ang sinasabi sa Bible na, “In the beginning, God created the heavens and the earth.”
In other words, nag-evolve ang Diyos to explore and enjoy life further. Kaya in addition to the heavens, linikha din niya ang Earth para mayroon siyang mapaglagyan ng conscious life or living things.
Sa physical realm ng earth, mas mai-enjoy ng Diyos ang conscious becoming through us, mankind. Reason why they (God and Wisdom) created man in their image. Through each of us God lives life in the physical realm.
Ang lahat ng ito ay tinatawag kong Living Truth dahil nababatay sa Bible, science, logic and common sense. Ito ang nagbibigay sa akin ng INSIGHT para makapag-preach ng mga bagay na hindi na gaanong kailangan ng faith para mapaniwalaan.
Remember that God is not the creator but the Giver of life. Because already in him from the beginning was life. Kaya nga pwede niyang ipamigay ito sa mga tao, hayop at halaman. There are things na hindi linikha like God and Infinity. For example, centifugal force, inertia, the tastes: salty, sweet, bitter, etc. Binigyan tayo ng dila para makalasap ng mga lasang dati nang nasa realm of life, coterminus with God and Infinity.

FROM SUBCONSCIOUS TO CONSCIOUS. Dalawa ang uri ng ating isipan or mind: Malay at di-malay na isipan. Or conscious and subconscious mind. Ang gumagana ngayon sa iyong utak ay ang malay na isipan. Conscious ka na kasalukuyan kang nagkocomputer at binabasa mo itong blog ko. Ngunit pwede rin namang ang ginagamit mo lang ay ang iyong subconscious o di-malay na isipan. Maybe wala ka talaga sa harap ng computer mo. Baka kasalukuyan kang natutulog in your room, nakahiga sa kama at nananaginip ka lang na binabasa mo ang blog na ito.
Impossible ba ‘kamo, dahil kanina ka pa nagbabasa at siguro’y may kasama ka pa sa kuwarto, sa office, sa computer cafĂ© or whatever? Well, para ka makatiyak na talagang gising ka ngayon at ang mas nagwowork ay ang iyong conscious mind, pakikurot mo ang iyong braso o kaya naman ay kagatin mo ang iyong lower lip.
Okay. Gising ka talaga. Nagwowork ang conscious mind mo. Pero ganoon din ang iyong subconscious, the part of your brain na hindi marunong magpahinga.
At iyan, my friend, ay isang Buhay na Katotohanan. Totoong may subconscious mind at may isang bahagi ng ating utak na laging nagwowork para sa subconscious o di-malay na isipang ito. Ang bahaging ito ng iyong utak mo ay nagtatrabaho gabi’t araw, mula pa noong nasa sinapupunan ka pa ng iyong ina hanggang sa mga sandaling ito. Ito ang dahilan kaya tayo nananaginip. Kahit natutulog ka, may isang bahagi nga ng utak mo na laging gising.
Karaniwan na ring tinatawag ang subconcious na intuitive or insightful mind. Ito ang tagapagdeposit o tagapag-imbak ng maraming kaisipan, alaala at mga kaalamang hindi magkasya o hindi agad makayang tanggapin ng ating concious mind. Ang malaking bahagi ng ating memory bank ay ang subconcious mind.
Noong ikaw at ako ay nasa sinapupunan pa lamang ng ating ina, ang katulad ng ating subconscious ay ang space before the “Big Bang”— ang araw ng pagsilang ng ating universe. Para ngang wala pang laman ang space noon like an unborn infant’s subconscious mind. Ngunit alam nating kailanman ay hindi naging completely empty ang infinite space. Likas dito ang isang tendency, ang primal energy na napolarize nga at lumikha ng hydrogen atom, dambuhalang bituin (megastar) and eventually, a baby universe.
The same primal energy of infinite space was also already in our subconscious mind, noon pa mang zygote or fertilized egg pa lang tayo in our mother’s womb. And I mean it literally, my friend. The same primal energy vibrating in infinite space—taglay ang positive spatial tendency “to be” ni Yahweh.
Nang tayo’y isilang, nagwork na rin ang ating conscious mind. Nag-umpisa na rin ang ating conscious evolution. Hanggang sa tayo ay maging kung ano tayo ngayon. Member tayo ng human species, ng mankind na linikha ng Diyos in His image. Kaya tingnan mo ang mga nalikha natin sa mundo, lalo na noong matapos magkatawang-tao ang Verbo in the person of Jesus Christ, ang anak ng Diyos. Akalain mong marating natin ang Moon and Mars, at makagawa tayo ng Hubble space telescope in addition to spaceships, the 800-seater jetplane, nuclear power plants, laptap computers, Internet, communication satelites, billboard-sized TV screen, and mobile phone na dati’y sa Fantasy Komiks ko lang nababasa.
Ang ating subconscious mind, tulad ng space, ay napakalawak at halos infinite. Kumbaga sa memory ng isang computer ay magkakasya ang nilalaman ng mga aklat sa isang library housed in a multi-story building. Yes, ganyan kalawak ang ating subconscious mind kung gagamitin natin nang at least 30% ang capacity ng ating brain. Sa ngayon, wala pang 2% ng capacity nito ang ating ginagamit.
Ang ating conscious brain naman ay tulad sa physical universe na ngayon ay conscious na rin. Maybe ang universe ay ang conscious mind of God, ang Kanyang subconscious naman ay ang infinite space, at ang gravity na viscosity nito ay ang Kanyang spiritual force. Kaya ba God is love and love is like gravity, an attraction?
Pero ang tiyak, laging connected sa primal energy ng space ang primal energy ng ating subconscious mind. Kasi nga, literally identical ang mga ito. Maglagay ka ng tubig-dagat sa isang baso. Ang tubig sa baso ay identical sa tubig na nasa lahat ng dagat sa mundo.
Pagka gumawa tayo ng intuitive wishing, ginagamit din natin literally ang ating subconscious mind to connect to the infinite space. Ito talaga ang dahilan kaya we like to make a wish upon a star. Kasi nasa space ang mga bituin. Actually naman, ang ating subconscious ay constantly connected sa infinite space whether we make a wish or not. Why? Because gravity is everywhere. Kaya tama ang mga Biblical preachers na kung tayo ay nagdarasal, gumagawa tayo ng connection sa Diyos. Ang message ng ating dasal ay inire-relay ng ating conscious mind sa ating subconscious na lagi ngang connected sa space, just like the infinite subconscious mind of God. Reason also why one of the ways to energize our subconscious is by personal praying. Pero marami pa ngang paraan: loving, synergized praying, hearing music or singing, laughing, appreciation of beauty, sacrificial offering like walking to your church instead of riding kahit na it is one or more miles away…
Ngayon, gusto mo na bang subukan ito?


WISHING UPON A STAR. No kidding, ito ay isang uri ng intuitive wishing na mahaba na ang track record of accomplishment. Ayon nga raw sa mga matatanda noon, pagka ang wish ay ginawa or sinabi mo sa isang bulalakaw (falling star) bago ito tuluyang maglaho sa dilim, siguradong matutupad ang wish mo.
Siguro katawa-tawang maniwala rito. But then, since time immemorial ay marami na ang gumawa nito at ang batting average of materialization ay 100%-- believe it or not!
Now, you don’t have to wait for a falling star to try it. Just pick a star sa kala-ngitan any starry night and make a wish upon it. Then follow these instructions:

1.Bago mo sabihin sa napili mong bituin ang wish mo, siguraduhin mong ito nga ay gusto mo at wala kang ano mang alinlangan. So please put it in writing. Then memorize it. Yes, my friend, kailangan mo talagang imemorize ang wish mo. Kaya gawin mo itong maikli lang para maibulong mo agad sa iyong bituin. For example: Sana magkabalikan na kami ni (name of your BF/GF or wife/husband na gusto mong makabalikan)… Sana ibigay ni Boss ang hinihingi kong salary raise ASAP… Sana manalo ang raffle ticket na ito… (hold it in your right hand habang nakatanaw ka sa bituin)… Sana makakita na ako bukas sa classified ads ng maaaplayan kong trabaho… Sana bayaran na ni (name) ang utang niya sa akin… Sana padalhan ako ng one thousand dollars ng ninong, ninang, kuya, ate, uncle, auntie kong nasa abroad for no big reason at all… Etc.

2.After making your wish, close your eyes, smile a little and whisper “Thank you.”

3.Energize mo na ang iyong subconcious mind. Choose and do at least three of the ff:

a)Personal prayer. Gawin mo agad ito after making your wish upon your star, right there by your window o kung nasaan ka man. Say something like this: “Father in heaven, in Jesus’ name, please make my wish upon OUR star come true, amen.”

b)Synergized prayer. Pagdarasal na may ka-holding hands ka. Asawa, ina, ama, nobya, nobyo, kaibigan. You may or may not tell him/her your wish. Kahit nakahiga ka katabi ng natutulog mong ina, ama, kapatid, o asawa, magiging synergized or doubly effec-tive ang pagdarasal mo kung gagawin mo na magkalapit ang mga ulo ninyo, o kaya ay nakadantay ang isang paa or kamay mo sa kanya.

c)Show and feel love. Love is giving. Bigyan mo ng extrang allowance ang anak mo; or regaluhan mo ang misis/mister/ bf/gf/sis/brod/parents mo ng kahit ano kahit walang okasyon. Or donate money or anything to your church or civic club the next day. Sa loob ng jeepney, bus or FX taxi na sasakyan mo kinabukasan, sabihin mo sa lahat ng kapwa mo pasahero kasama na ang driver, in your mind only: “Mahal ko kayong lahat. ”

d)Makinig ng paborito mong instrumental music for about five minutes or so, with nothing in your mind kundi ang wish na sinabi mo sa iyong bituin. Or play a musical instrument before sleeping. Makipagsing-along in your favorite karaoke bar.

e) Find a thing of beauty to appreciate the next morning: a flower, a billboard icon, an old office painting, a beautifully dressed person, aquarium fishes, etc. Feel good sa pagtanaw mo ng ano mang magandang scenery.

f) Kung mayroon kayong tanim na puno sa bakuran like mango, caimito, acacia, malunggay, etc., gumising nang maaga at idikit ang kanang palad sa puno for about ten minutes, habang nasa isip ang iyong wish.

g) Tell or text a joke to your officemates, mga kasambahay, a friend.
Laugh at your own joke. Read a joke, watch a TV sitcom.

h) pwede ring maenergize ang subconscious mo by sunbathing from 6 to 8 AM.

Again, please do any three of these techniques. Try making your wish twice or thrice this way before giving up. Some other time, we will study more advance techniques sa paggamit ng ating subconscious mind by auto-suggestion and with the help of our soulmates in group. Yes, marami tayong ka-soulmates na ang higit na nakakarecognize ay ang ating intuitive subconscious. I’ll tell you why, some other time.
Meantime, sa aking next Magtalk Tayo blog, ang magiging main topic ko ay ang totally expense-free, honest and speedy “ladderized electoral system” or simply Ladder Election.

Rodie Metin
San Jose Del Monte City, Bulacan.
Savings Acct No. 1840273397
Banco De Oro-Marilao